Wireless local area network. Ang isang koneksyong wireless LAN ay naitataguyod kapag nagbukas ka ng koneksyong data gamit ang isang access point ng WLAN Internet. Isinasara ang aktibong koneksyong WLAN kapag isinara mo ang koneksyong data.

Maaari kang manatiling nakakonekta sa WLAN kahit na gumagalaw, hangga't ikaw ay nananatili sa nasasakupang access point ng WLAN ng parehong network. Kung ikaw ay lalabas sa nasasakupan ng kasalukuyang access point, maaaring ikonekta ka ng roaming sa isa pang access point.